LP 8: ihip ng hanging malumanay: gentle wind
Thursday, May 29th, 2008
ang isa sa pinakapaborito kong tunog sa buong mundo, ay ang bulong ng hangin sa mga sanga ng kawayan.
hindi ko na ito naririnig dito sa aking tinitirahan ngayon.
pero ngayong medyo mainit-init na nang konti ang panahon at nakakapagbukas na kami ng (konting) bintana, muli ko nang naririnig ang mga bulong ng mga dahon sa mga matatanda’t matatangkad na punong kahoy na elm, maple, at oak sa tabi ng aming driveway.
ang aking mga anak ay madalas nang nakakahilata sa kanilang swing, palagi ko silang nakikitang nakatitig sa mga puno at dahon.
palagay ko nagiging mapayapa at malualhati rin ang kanilang pakiramdam, sa pakikinig ng tunog ng hanging malumanay.

mga iba’t ibang paniniwala sa pagkadyos o dyosa ng hangin.
humihingi ako ng paumanhin…
matagal na kong “absent” at di nakakasali sa Litratong Pinoy, dahil nga sa kakulangan ng oras sa isang araw. ako’y hiyang hiya rin dahil hindi ko nakayang dalawin ang lahat ng mga nagsisali’t nag-iiwan ng mga masasaya at mabubuting salita sa “comments”…salamat na lang at nakausap ko ang Bossing este Moderator ng LP, at sinabing sikapin kong sumali kahit di masyadong nakakapag ikot, alang alang sa samahan at kasiyahang naidudulot nitong lingguhang blog fiesta na ito…
one of the sounds i really miss hearing is the whisper of a gentle breeze swaying the bamboo trees, it is truly a peaceful and relaxing sound, the hush of the leaves and creak of the bamboo poles. it used to be my favorite lullaby on many a childhood summer day’s nap.
lately with the weather starting to warm up we’ve been able to open a few windows and my kids have started to hang out in the porch swing. many afternoons i see them just chilling, staring at the trees and daydreaming.
this is a photo of a terra cotta “wind god” i bought for our deck when we first bought the house convinced the bank to lend us a home-loan, twelve years ago. i thought at first it was a sun god but when i hung it up on the wall i saw that with its pursed lips and cloud-like curls….well at least it seems to be gently blowing a sweet kiss of a breeze, and not a roaring gale.

vanidosa's last
Enjoy














na ang unang kabanata ng Litratong Pinoy ay “ako ay bilog,”
).
